Archive for August, 2005

sana…

Monday, August 29th, 2005

sana magkaroon kami ng budget para makapag-hold ng rock concert ala PULP Summer Slam! Mahal kasi kung Battle of the Bands eh… Ang saya siguro nun, nagi-islaman kayo dun! Yung mga pinakamagagaling na banda dito sa Ilocos asteeg!!! Hay, sa pangarap nalang muna…

Tennis Game na napasubo…

Monday, August 29th, 2005

Hay naku, ikaw ba naman na walang background sa tennis ang paglaruin sa intrams para i-represent ang college mo, tingnan nga natin kung di ka maloka! Grabe, three days before the intramurals sinabi sa akin na maglalaro raw ako eh pano kaya yun, ni humawak nga ng raketa hindi ko pa alam, tumira pa kaya? Hindi ko rin alam yung mga rules ng game. Nanonood ako oo pero hanggang dun lang ang kaya kong gawin, ang manood ng tennis. Parang pakiramdam ko, isa itong "disaster episode" sa buhay ko! I was put on the spot, really! Pinagtawanan talaga kami during trainings, kasi pormang nakapang-tennis talaga oh, tinanong pa raw nila kung sino sa ‘min ng kasama ko ang mas magaling, pero nung tumira na kami ng bola, gosh, kahiya!!! Pero natuto naman ako konti. Salamat sa coach kong rakista na makulit, si Metong! Pareho ko rin siyang di gaanong magaling, pero at least nagka-resulta naman yung pagtuturo niya. Gusto ko rin naman talagang pag-aralan yun dati pa kaya lang wala akong time at raketa, (ang mahal kaya! holdap yun sa bulsa ah!). Ipagpapatuloy ko na yun… Keber na kung lumaki ang mga muscles!!!

ANG SEX SCANDAL KO… Daw!!!

Monday, August 29th, 2005

Bull sh*t talaga… Akalain mo ba namang may kumakalat daw palang chismis sa school na may kumakalat akong scandal, no particular detail kung sa video nga ba o sa MMS phones na ng mga tao sa mundo. Last week ko lang nalaman and i felt really bad and angry kasi wala namang katotohanan yun! Tinanong ko sa ibang mga kaibigan ko kung nabalitaan na nila yun, at kinonfirm nga nila na oo, nabalitaan daw nila… Naghahanap ako ng proof, kaso wala silang maibigay. Last sem pa naman daw kasi itong balitang ito. At saka hindi raw sila sure kung ako nga yun. Baka naman kako, kamukha ko lang yon… Sa Nueva Ecija pa raw ginawa yung scandal na yon… Really? Well, i haven’t been to Nueva Ecija yet! F*ck them all, sa mga gustong manira! Ok na ako ngayon, nasabi ko na lahat ng galit ko… Hindi yon totoo. At saka hindi naman daw pinaniwalaan ng mga nakarinig yun eh. Last week ko lang nalaman to… Damn…

Radical Achievers Society

Monday, August 29th, 2005

Sali kayo!!!

Sali kayo sa organization namin ng mga Sun Cellular subscribers sa buong Pilipinas.. Send me a message if you want to join, the org is planning to hold a grand EB (eye ball) and a rock concert ng mga fave bands niyo dito sa Ilocos! Kaya kinakailangang palaguin pa ulit ang samahan…

ang hirap ng buhay ngayon

Sunday, August 14th, 2005

Ang saya kasi katatapos lang ng bagyo… naawa naman ako dun sa isang matandang nagtitinda ng pandesal sa gitna ng malakasa na bagyo noon. As in, kahit bumabagyo kinailangan talaga niyang kumayod. Naisip ko tuloy, masuwerte pa rin ako kahit na medyo medyo lang. pero naawa talaga ako sa kanya… :(

PHEW!!!!

Sunday, August 14th, 2005

katatapos lang ng dalawang examinations…

ang hirap kaya ng exam namin kanina. tama ba namang maubusan ka ng oras sa page-exam??? maloka-loka na ata kaming lahat na magkaka-klase…

Ewan ko ba, but i feel so restless today…

Masaya nga pala nung nag-perform ang bagong panganak na banda ng CHS nung acquaintance party namin last Wednesday… Grabe. Hindi ko akalain na magagawa namin yun at makakayanan and we’re not that bad after all… Intervention nga pala yung pangalan ng banda namin. Last minute mi pay nga napanunot dejay nga nagan anya…

bye muna for now…