Tennis Game na napasubo…
Hay naku, ikaw ba naman na walang background sa tennis ang paglaruin sa intrams para i-represent ang college mo, tingnan nga natin kung di ka maloka! Grabe, three days before the intramurals sinabi sa akin na maglalaro raw ako eh pano kaya yun, ni humawak nga ng raketa hindi ko pa alam, tumira pa kaya? Hindi ko rin alam yung mga rules ng game. Nanonood ako oo pero hanggang dun lang ang kaya kong gawin, ang manood ng tennis. Parang pakiramdam ko, isa itong "disaster episode" sa buhay ko! I was put on the spot, really! Pinagtawanan talaga kami during trainings, kasi pormang nakapang-tennis talaga oh, tinanong pa raw nila kung sino sa ‘min ng kasama ko ang mas magaling, pero nung tumira na kami ng bola, gosh, kahiya!!! Pero natuto naman ako konti. Salamat sa coach kong rakista na makulit, si Metong! Pareho ko rin siyang di gaanong magaling, pero at least nagka-resulta naman yung pagtuturo niya. Gusto ko rin naman talagang pag-aralan yun dati pa kaya lang wala akong time at raketa, (ang mahal kaya! holdap yun sa bulsa ah!). Ipagpapatuloy ko na yun… Keber na kung lumaki ang mga muscles!!!