Archive for September, 2005

Stupid Facts About Me…

Wednesday, September 21st, 2005

I am half-Thai, half-Filipino, I play the guitar, drums, a little bit of bass and a little bit of keyboards. Nag-experimento rin pala ako sa harmonica nun, lalo na nung uso pa si Alanis Morissette. Hindi ako marunong magbisikleta. Pag kumain ako ng crabs, nangangati ako, allergic ako dun ewan ko ba, pero sa sipit niya, hindi naman ako allergic, ang labo noh? Pag tumugtog ako ng gitara, maya-maya lang aantukin na ako. Sedative ang gitara para sakin eh, panu nalang kaya pag mga gigs? Madalas akong nag-iisa pero nabubuhay naman ako, yun nga lang magmumukha kang tanga, pero I enjoy every minute of it because I’ve learned that there’s so much to be gained from solitude. Malilimutin ako, kaya pag may nagawa kang kasalanan, madali ko lang itong makalimutan kaya mapapatawad kita sa atraso mo. Puwera nalang kung utang, nililista ko yun eh.. Pag Queso pinag-uusapan, asahan mong mapapatigil ako at mapapatili. Hindi ako nagkakape. Gusto ko pang tumangkad, pero late naman akong matulog. I enjoy being with people who talk a lot and listen to every word you’re sayin’. Gusto ko rin ng matured mag-isip at sobrang mnakakatawa. Mababaw lang ang kaligayahan ko. Mababaw lang din ang luha ko. Ultimo cartoons na nakakaiyak, iniiyakan ko. Mahilig akong magbasa ng libro. I can’t live without music. Mahilig ako sa kulay green na shirt. Mahilig akong makipagpalitan ng notes and letters. May teddy bear na malaki akong katabi sa pagtulog at may mga anak pa ito. Mahilig akong matulog, lalo na sa tanghali. Maraming beses ako kung bumahing. I can stick a pencil under my nose and hold it for a few seconds, kahit nagsasalita pa ako, basta ba Monggol yung lapis. Turn-on para sakin ang long hair o semi kalbo. Ayoko ng kalabasa. Di rin ako palaaway, magbibilang muna ako ng pitong beses bago ko i-confront ang isang tao. Mabilis akong kumain, dati naman hindi. Lagi akong may dalang payong sa school. Gusto kong matutong mag-dancesport. Gusto kong magkaroon ng sariling studio. Mahilig akong magsulat ng mnga bagay na walang kuwenta’t katuturan. Nagko-compose ako ng mga nonsense na kanta. Mahilig ako sa cherry-flavoured lip gloss. Gusto kong maging director nuon pa. Mahilig akong mamangka ng kausap. Malakas akong tumawa, dati naman hindi. Crush ko si 8, Enzo at ang buong Queso. hindi ako marunong tumambling. Maingay akong kasama at…. blah blah blah blah… Teka, as if you give a damn!

Bad trip na buhay ito oo!

Wednesday, September 21st, 2005

Bad trip talaga, Pangatlong beses ko na itong magta-type. Nabura na yung mga ka-dramahan kong mala-nobela ang haba kanina about the most sh***y things that happened in my life these past few days… Malaman mo ba naman na the guy you like eh hindi ka na pala naantay, at hindi man lang inisip ang nararamdaman mo? Tapos akalain mong gagraduate ka na ngunit hindi pa pala? Ganito kasi yun. Tinapos ko na lahat ng cases ko nung summer. Ga-graduate na sana ako, tinapos ko yun a week before pasukan, pero hindi pala naihabol for endorsement. Ok lang sabi ko, antayin ko nalang ang first sem nang sa gayun makapag-relax naman ako. Kaya lang medyo na-dismaya rin ako, syempre akala ko ga-graduate na ako eh. May kulang din akong requirement, INC ako sa isang subject dahil hindi ako sumama sa Community Tour namin last sem s.y. 2004-2005. Requirement daw kasi ang l****ng tour sa Tuguegarrao para maka-graduate. Hindi ako nakasama noon dahil wala pa akong mirang.  Eh ngayon, yung mga 2nd year studes, pupunta na sa Baguio ngayon for their hospital tour, sabi ng adviser ko sama nalang daw ako sa kanila para ma-completo ko na’t maka-graduate ako. Ayan, ready to go na ako. Destination: Baguio. Kaya lang malaman ko nalang kanina na hindi rin pala ako puwedeng sumama kasi Hospital Tour daw yun at hindi Community. Bad trip!!!! Kailangan ko nanamang mag-antay hanggang next year para grumadweyt! Next bad trip. Bumabagyo dito, nasira ulit payong ko. For the nth time na at hindi pa nagtatagal sa kin yang payong na yan ng kahit man lang isang linggo siyang nagtitino! Kailangan lingguhan mo siyang dalhin sa repair shop! Kundi lang kasi mahal ang bili ko sa payong na ito eh hindi ko ito pagtitiyagaan ng ganito. Ok lang, nasa ilalim lang siguro ako ng gulong ngayon kaya ganun… :(

bakit ganun?

Wednesday, September 21st, 2005

Bakit ganun? Magigising ka nalang isang araw sa isang masamang panaginip na nawalan ka nanaman pala ng isang taong minamahal. Mahirap lalo na’t ang nawala ay isang kapamilya… Ang lola ko, I love her so much and it really hurts. But i have come to realize na part lang talaga ng buhay yan. Hindi man lang niya ako naantay. Pinag-aaral niya ako at gusto niyang makita akong makapagtapos. Sayang, hindi ko man lang siya naalagaan. May dahilan kung bakit. Siguro mas maigi nang ganun, para matapos na ang paghihirap niya sa buhay niya. she has been a very good and caring lola to me. Hindi siya nagkulang sa pagmamahal sa akin, and for that I am so grateful. Naalala ko, last year I have experienced another loss. Ang isang taong napaka-espesyal sa akin ay nawala ng biglaan, nang hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya. Iniyakan ko nang iniyakan ang mga pangyayari, pero alam ko, wala na akong magagawa pa kundi tanggapin nalang ang realidad na may mauuna, may maiiwan. Tinulungan naman niya akong maging malakas, kaya nga ngayon, medyo naiintindihan ko na ang dimensions ng death. Mas madali ko nang natanggap ang pagkawala ni Lola. Walang pinipiling tao ito, kahit pa siguro di mo akalaing mawawalan ka, kahit di mo akalaing ang susunod na hintuturo ay sayo tatama. Ganun talaga. Masakit. Pero habang tumatagal, matututunan mo ring bumangon, matututunan mo ring maging malakas at lumaban muli at tanggapin ang mga nangyayari. I still cry at night lalo na pag naaala ko ang dalawang mahalagang taong nawala sa buhay ko. Pero dadaanin ko nalang sa dasal. Hindi ko kailangan ng karamay. Kakayanin ko ito on my own. Gagalingan ko pag-aaral ko at paliligayahin ko si lola para ma-fulfill yung dreams niya para sa akin.

Maraming Salamat Po Diyos Ko

Tuesday, September 13th, 2005

Ang saya saya po, isang prayer nanaman po ang narinig Niya at isang napakagandang blessing nanaman ang ipinagkaloob Niya sa akin! Masayang talaga kasi pinanalo niya ako sa isang competition wherein hindi ko na talaga akalaing may pag-asa pa ako… :)