Bad trip na buhay ito oo!
Bad trip talaga, Pangatlong beses ko na itong magta-type. Nabura na yung mga ka-dramahan kong mala-nobela ang haba kanina about the most sh***y things that happened in my life these past few days… Malaman mo ba naman na the guy you like eh hindi ka na pala naantay, at hindi man lang inisip ang nararamdaman mo? Tapos akalain mong gagraduate ka na ngunit hindi pa pala? Ganito kasi yun. Tinapos ko na lahat ng cases ko nung summer. Ga-graduate na sana ako, tinapos ko yun a week before pasukan, pero hindi pala naihabol for endorsement. Ok lang sabi ko, antayin ko nalang ang first sem nang sa gayun makapag-relax naman ako. Kaya lang medyo na-dismaya rin ako, syempre akala ko ga-graduate na ako eh. May kulang din akong requirement, INC ako sa isang subject dahil hindi ako sumama sa Community Tour namin last sem s.y. 2004-2005. Requirement daw kasi ang l****ng tour sa Tuguegarrao para maka-graduate. Hindi ako nakasama noon dahil wala pa akong mirang. Eh ngayon, yung mga 2nd year studes, pupunta na sa Baguio ngayon for their hospital tour, sabi ng adviser ko sama nalang daw ako sa kanila para ma-completo ko na’t maka-graduate ako. Ayan, ready to go na ako. Destination: Baguio. Kaya lang malaman ko nalang kanina na hindi rin pala ako puwedeng sumama kasi Hospital Tour daw yun at hindi Community. Bad trip!!!! Kailangan ko nanamang mag-antay hanggang next year para grumadweyt! Next bad trip. Bumabagyo dito, nasira ulit payong ko. For the nth time na at hindi pa nagtatagal sa kin yang payong na yan ng kahit man lang isang linggo siyang nagtitino! Kailangan lingguhan mo siyang dalhin sa repair shop! Kundi lang kasi mahal ang bili ko sa payong na ito eh hindi ko ito pagtitiyagaan ng ganito. Ok lang, nasa ilalim lang siguro ako ng gulong ngayon kaya ganun…
August 1st, 2006 at 1:42 pm
Yaan mo ading…bibilhan kita ng payong hehe!